80's 90's kids
Facts about the 80's dudes and dudets.A mustread!!! Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at
ang mga unang taon ng dekada ''90. Pero pano mo
malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito?
Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're
one of us. Are you?
1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,
Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at
kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa
Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas
singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon
na para sa superhero marathon.
2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang
kending lasang champoy).
3. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga
larong text, jolens,dampa (mga unang anyo ng
pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo
ay si GI-JOE with alipores.
4. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with
you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan,
doktor-doktoran, at kung anu-ano pang
pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si
Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at
kabaong ni Barbie.)
5. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-
ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106"
hanggang maubusan ka ng hininga.
6. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-
Monkey-Annabelle, prikidam123, Langit-Lupa-
Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-
20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.
7. Pumunta ang mga taga-MILO sa skul niyo at
namigay sila ng samples nanakalagay sa plastic
cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (At
nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO
kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)
8. May malaking away ang mga METAL (mga
punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong
naka-maluwang na puruntong na kahit makita na
ang dalawangbundok.) Nag-aabangan sa mall na
may dalang baseball bat at kung anu-ano pang
mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT
DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe,
pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.
9. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian
na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa
kinakasal.
10. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.
11. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick
game. (Hi-tech na yun noon)
12. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na
may mga drawing ng pelikulang pinoy. (At may
dialog pa!)
13. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si
Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin
na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya
si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya
sa muscle.
14. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-
anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong
tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It,
Pray, at Can't Touch This.
15. Hindi ka gaanong mahilig sa That's
Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing
Sabado kung saan nagpapagandahan ng
production numbers ang Monday hanggang Friday
group. (At badtrip ka sa Wednesday group dahil
pinakabaduy lagi ang performance nila!)
16. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad
ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical
Depression, The Teeth, The Youth, After Image,
Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang
sikat na sikat na Eraserheads. (At aminin mong
nakinig ka ng Siakol!)
17. Swerte ka kapag panghapon ka dahil
masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na
kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows
tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of
Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa
lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang
ang di yumaman at namatay pa ng maaga.)
18. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"
19. Ikaw ay tumatambay kasama ang mga
kaibigan tuwing gabi dahil sa blackout (brownout
na more than 8 hours!!) at nakikinig ng "Gabi ng
Lagim" sa radyo.
20. Naabutan mo na ang mga taxi pa na ginagamit
ay Gemini at hindi pa Corolla!!!
21. Naabutan mo na ang pamasahe ay P1.50 pa
lang.
22. Ang dollar rate ay P18.
23. Ang litro ng premium na gasolina ay P8.25 pa

